DSWD, DOJ, dapat magsampa ng kaso VS 13 Caloocan police – Atienza

Hinikayat ni Buhay Rep. Lito Atienza ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Justice (DOJ) na magsampa ng kasong child abuse laban sa labing tatlong Caloocan City Police dahil sa isinagawang maanomalyang operasyon.

Ito ay kaugnay sa ikinasang operasyon ng Caloocan Police na walang search warrant at nakita pa sa CCTV footage ang umano’y pagnanakaw sa bahay ng isang singkwenta y uno anyos na babae sa Barrio Sta. Rita, Barangay 188, Tala noong September 7.

Ayon sa mambabatas, dapat magsampa ang DSWD at DOJ bilang ito ang mga ahensiyang mahigpit na nagpapatupad ng 1992 law na nagpoprotekta sa mga kabataan.

Dagdag pa nito, dapat din ilipat sa kustodiya ng DSWD ang batang nahuli sa CCTV footage na ginamit sa nagnakaw sa operasyon.

Ipinakita lang aniya ng mga sangkot na pulis ang kapabayaan at walang-kamalayan sa batas at tungkulin.

Giit pa ni Atienza, nararapat lang na sibakin sa pwesto at maharap sa ipapataw na parusa.

Read more...