Mag-asawang motor rider, patay sa bumagsak na poste sa QC

Kuha ni Krizha Soberano

Idineklarang dead-on-arrival ng dalawang motorcycle rider matapos mabagsakan ng kuryenteng sumabit sa isang trak sa Congressional Extension Avenue, Quezon City.

Ayon kay PO1 Peter Barase, first responder mula sa Traffic Sector 6, binabaybay ng dumping truck na may plakang RCJ 369 bandang alas-onse ng umaga ang kahabaan ng Congressional Avenue Extension nang sumabit ito sa kable ng kuryente sa tapat ng Mira Nila Homes.

Kwento ng mga saksi, nakaangat ang likod na bahagi ng trak kaya nito nahagip ang kable ng kuryente.

Nabagsakan ng naputol na kable ang kasunod na motorsiklong lulan ng mag-asawang sina Christian Calleja, 30-taong gulang at Jennlyn Reyes, 22-taong gulang.

Isang Toyota Vios na may plakang VZ 3539 rin ang nadamay matapos itong mabagsakan ng poste sa kabilang bahagi ng gusali.

Ligtas naman ang dalawang sakay nito.

Dinala na sa Traffic Sector 6 ang driver ng trak na si Ralybrent Reyes, 50-taong gulang para imbestigahan.

Nawalan naman ng kuryente ang Mira Nila Homes Subdivision at bahagi ng Sierra Pora, Quezon City dahil sa natumbang poste ng kuryente.

Read more...