NCRPO chief, handang kasuhan ang mga Caloocan police sa maanomalyang PNP ops

Hindi magdadalawang-isip si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde na magsampa ng kaso laban sa mga Caloocan Police na sangkot mga kahina-hinalang operasyon.

Ito ay kaugnay sa isinagawang raid ng Caloocan City police nang walang search warrant at umano’y pagnanakaw noong September 7.

Ayon pa sa opisyal, dapat alamin kung nagiging kultura na ba ang mga naturang aktibidad sa lugar.

Noong Biyernes, matatandaang sinibak sa pwesto ang buong Caloocan City Police District para dumaan sa 45-day retraining.

Read more...