Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang Guiuan, Eastern Samar bandang alas onse, Linggo ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang episentro ng lindol sa 39 kilometro, Kanluran ng Guiuan.

Tectonic ang origin ng lindol.

Wala namang naitalang aftershocks at pinsala ang ahensya matapos ang lindol.

Read more...