Ang House Bill 6016 o “Gift Check Non-Expiry Act” ay naglalayong maregulate ang pagrerelease at paggamit ng mga GC’s.
Dahil dito, may kalayaan na ang mga consumer na gamitin ang mga nasabing GCs nang hindi inaalala ang expiration nito para maipambili ng mga produkto at serbisyo.
Pinapalawig ng naturang batas ang mga polisiya ng estadong protektahan ang mga consumer sa mga hindi makatwirang sales acts and practices.
Ikinatuwa naman ni Buhay Party-list Rep. Lito Atienza, na isa sa mga author ng panukla ang pagpasa nito sa kongreso;.
Anya, maibibigay na sa consumers ang kanilang karapatan sa mga GC na maging kahalili ng cash na pera.
Sakaling ipatupad na ang panukalang batas ay icocover na nito ang lahat ng gift checks na nairelease.
Sinumang hindi sumunod sa mga probisyon ng batas ay maaring maparusahan ng pagkakakulong na aabot mula isang taon at hindi bababa sa lima at magmumulta ng hindi bababa sa 500,000 piso at hindi lalagpas sa 1 milyon.