Milan Melindo wagi kontra Hekkie Budler sa isang split decision

INQUIRER.net File Photo

Napanatili ni Milan Melindo ang kanyang International Boxing Federation light flyweight title sa kanyang laban kontra kay Hekkie Butler sa Waterfront Casino and Hotel sa Cebu City kagabi.

Wagi si Melindo sa pamamagitan ng split decision sa iskor na 117-110 at 115-112 samantalang nakuga ni Budler ang isa sa mga scorecards sa iskor na 115-113.

Bagamat nagtamo ng dalawang headbutt na naging dahilan ng sugat sa magkabilang mata, pinilit ni Melindo na bigyan ng mgandang laban ang Cebuano crowd.

Pinabagsak ni Melindo ang kalaban sa 10th round ngunit nakatayo naman agad ito.

Si Budler na dating world strawweight champion ay may record ng 31 wins and 3 losses kung saan 10 ang knock-out.

Napaganda naman ni Melindo ang kanyang record sa 37-2 na may 13 knock-outs.

Read more...