Ngayong weekend idinaraos ng mga deboto ang piyesta ni Nuestra Señora de Peñafrancia na siyang patroness ng Bicolandia.
Madaling araw pa lang ng sabado ay nagsimula na ang pagdiriwang sa isang dawn procession na tanging mga babaeng deboto lamang ang maaaring kalahok.
Pagdating ng tanghali ay isinara ang mga kalsada ng Naga City sa Camarines Sur upang magbigay daan sa mga pupunta sa novena mass sa Naga Cathedral, at para na rin sa isasagawang fluvial procession pagdating ng hapon.
Bahagi ng tradisyon ng pista ng Mahal na Ina ay tanging mga lalaking deboto na tinatawag na voyadores ang bumuhat sa andas ng Divino Rostro na siyang Holy Face of Jesus, at isa pang andas kung saan nakasakay ang imahen ng Mahal na Ina.
Dinala ang mga andas sa Naga River kung saan ang mga lalaking deboto pa rin ang naghatid sa Divino Rostro at imahen ni Peñafrancia pabalik sa Basilica Minore.
Bahagi ng pagtitiyak ng seguridad ng mga deboto at turista ay nagpatupad naman ng cellphone signal interruption sa Naga City mula alas dose ng tanghali hanggang alas sais ng gabi.
Ito ang itinuturing na pinakamalaking tourist attraction sa Bicol region na dinaragda ng mga deboto mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.