Biktima ng pananambang at paghagis ng granada sa Los Baños, Laguna, kinilala na

 

Kinilala na ang dalawang biktima ng pananambang sa Los Baños, Laguna kaninang umaga.

Ayon kay Laguna Police Director Sr. Supt. Florendo Saligao, base sa mga nakuha nilang ID sa loob ng Toyota Avanza, ang mga biktima ay sina Liezel at Merlito Morales, kapwa residente ng Barangay Concepcion sa San Pablo City.

Ngunit sinabi ni Saligao hindi pa nila natutukoy ang relasyon ng dalawang biktima at sa ngayon aniya ay naghahanap na sila ng mga testigo na nakasaksi sa pangyayari.

Magugunita na alas-6:45 ng umaga, pinagbabaril ang mga biktima sa loob ng kanilang sasakyan ng mga salarin na sakay ng motorsiklo sa Barangay Kaunlaran.

At upang tiyakin na mamamatay ang dalawang biktima, pinasabugan pa ng granada ang kanilang sasakyan na tuluyang nasunog.

Inaalam na rin ang posibleng motibo sa pamamaslang.

 

Read more...