Mga aso na kayang umamoy ng mga pedophilia bida ngayon sa London

AP

Sikat ngayon sa London ang dalawang sniffer dogs na sinanay para umamo’y at tumukoy ng isang pedophilia.

Ang 19-month old na si Tweed na isang springer spaniel at ang 20-month old na si Rob na isa namang Labrador ay kabilang sa mga unang aso sa Digital Detection Units ng London Police Department.

Ang nasabing mga aso ay sinanay ng mga ekperto mula sa Devon & Cornwall and Dorset Police Department.

Sina Tweed at Rob ay matagal na ring nagagamit sa mga crime investigation sa U.K bago sumailalim sa specialized training kontra sa mga pedophile.

May kakayahan rin silang umamoy at maghanap ng mga nakatagong SD cards, hard drives at USB sticks.

Ayon kay Ch Supt Jim Nye, commander ng The Alliance Operations Department ng U.K Police, “These dogs will give the police a new way to fight the threat of terrorism, pedophiles and fraudsters.”

Noong 2015 ay unang sinimulan dog instructor Graham Attwood ang research kung pwede bang gamitin sa pag-detect ng mga pedophilia ang mga sniffer dogs na ginagamit rin ng mga lokal na pulisya sa U.S.

Naging matagumpay ang nasabing eksperimento na unang ginamit sa Connecticut bilang bahagi ng digital detection dogs unit.

Inamin rin ng nasabing dog trainer na may specialized training para sa ganitong uri ng expertise para sa mga aso.

Sina Tweed at Rob ay dumaan sa kanilang assessment at hindi lamang nakapasa kundi nakakuha pa sila ng mataas na marka dahil sa kanilang efficiency.

Sa U.S ay maraming mga warrants na laban sa ilang mga pedophiles ang inisyu ng mga hukuman sa tulong ng mga asong tulad nina Tweed at Rob.

Read more...