World Powers, nagsisisihan sa panibagong serye ng pagpapalipad ng missile ng NoKor

Nagiging dahilan ng argumento sa pagitan ng China, Russia at America ang pinakahuling missile test na ginawa ng North Korea kahapon.

Bagama’t pare-parehong sumang-ayon sa pagpapataw ng panibagong UN Sanctions laban sa NoKOr, mistulang nagsisisihan ang mga bansang ito.

Ayon sa United States, pinaresponsable ang China sa mga aksyon ng NoKor bilang pinakamalapit na ally nito.

Samantala, ibinalik ito ng China sa US at sinabing tumatakas ito sa responsibildad nito sa NoKor.

Binatikos naman ng Russia ang mga agresibong pahayag ng United States ukol sa pagpapalipad ng ballistic missiles.

Ayon sa International Institure for Strategic Studies ito na ang missile ng NoKor na pinakamalayo ang narating matapos paliparin.

Lumipad ang nasabing ballistic missile sa himpapawid ng Japan at may kakayahang tamaan ang Guam na isang US territory.

 

Read more...