Batay sa resolusyong inilabas ng Sandiganbayan Fifth Division, ipinahayag ng korte na ang ipinapakita ng mga impormasyon ay tila ang inaakusahang mastermind na si Janet Lim-Napoles ang “main plunderer” at hindi si Estrada.
Paliwanag ng korte, bagaman may mga ebidensya na mayroong iregularidad sa disbursement ng Priority Development Assistance Fund allocations ni Estrada, hindi ito matibay na ebidensya na siya ang pangunahing plunderer batay sa plunder law.
Dahil dito, pinayagan ng korte na maglagak ng piyansa ang dating senador.
Itinakda ang 1,000,000 pisong piyansa para sa kasong plunder na kinakaharap ni Estrada, at 330,000 piso para sa 11 bilang ng kasong graft.