Counterterrorism drill na ‘Tempest Wind,’ isasagawa ng Pilipinas at US sa susunod na linggo

Magsasagawa ng pagsasanay kontra terorismo ang Pilipinas at United States sa Pilipinas at Hawaii sa susunod na linggo, ayon sa Department of National Defense.

Ang counterterrorism drill na ito ay tinawag na “Tempest Wind.”

Ayon kay DND Public Affairs Director Arsenio Andolong, kasama sa pagsasanay ang crisis management, at counterterrorism and security operations ng dalawang bansa.

Layunin din ng pagsasanay na paigtingin ang ugnayan ng Pilipinas at US, at ang pagtutulungan ng dalawa sa operasyon sa panahon ng krisis, lalo na sa terorismo.

Ipinahayag naman ng US Embassy na ang Tempest Wind ay inaprubahan ng Mutual Defense Board at Security Engagement Board noong November 2016.

 

Read more...