Dakong 10:20 ng gabi ng Huwebes, pinagbabaril at sinira ng mga rebelde ang hindi bababa sa 90 solar panels.
Sa pagtaya Cadiz City Mayor Patrick Escalante, hindi bababa sa 2.250 milyong piso ang halaga ng napinsala ng pag-atake.
Ayon kay Escalante, gamit ng mga rebelde ang ilang granada at matataas na kalibre ng armas. Aniya, pinagbabaril ng mga ito ang solar panels mula sa labas.
Wala namang nasugatan sa insidente.
Naniniwala naman si Escalante na ginawa ng hinihinalang rebelde ng New People’s Army ang insidente bilang bahagi umano ng kanilang pangingikil. Aniya, sinubukan na ng mga komunistang rebelde na mangikil sa kompanya.
Ang halos 10-bilyong pisong solar farm ng Helios Solar Energy Corporation ay naitayo sa pagtutulungan ng Gregorio Araneta Inc. at Soleq, ang pinakamalaking solar independent power producers sa Southeast Asia.