Faeldon, sasampahan ng ethics complaint sina Lacson at Trillanes

Inquirer Photo | Niño Jesus Orbeta

Nakatakdang maghain si dating Bureau of Customs o BOC Commissioner Nicanor Faeldon ng ethics complaint laban kina Senador Panfilo Lacson at Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Atty. Jose Diño, legal counsel ni Faeldon, hihilingin ng former BOC chief sa Office of the Sergeant-at-Arms ng Senado na pansamantalang makalabas ng detention facility upang personal na maisampa ang ethics complaint kontra kay Lacson sa Lunes, dakong alas-onse ng umaga.

Makalipas naman ng isang linggo, si Trillanes ang sasampahan ng reklamo ni Faeldon.

Sa kasalukuyan ay naka-detine si Faeldon sa Mataas na Kapulungan matapos siyang i-cite in contempt ng Senate Blue Ribbon Committee dahil sa kabiguang dumalo sa imbestigasyon ukol sa 6.4 billion pesos shabu shipment mula sa China at umano’y tara system sa BOC.

Matatandaan na inalmahan ni Faeldon ang mga alegasyon ni Lacson na nagsasangkot sa kanya sa kurapsyon sa ahensya.

Mariing itinanggi rin ni Faeldon ang akusasyon ni Trillanes na nagdadawit sa kanya sa isyu ng katiwalian at smuggling sa BOC.

 

Read more...