‘Oplan Bakal’ muling binuhay sa QC

 

Mula sa inquirer.net

Pinawi ng Quezon City Police ang pagkabahala ng ilang mga taga-lungsod sa pagpapatupad ng ‘Oplan Bakal’ ng mga otoridad sa ilang establisimiyento sa lungsod Miyerkules ng gabi.

Nitong Miyerkules, pinasok ng mga tauhan ng QCPD-Anonas station ang hindi bababa sa tatlong bar sa Esteban Abada st., Bgy. Loyola Heights at nagsagawa ng random checking ng mga tao sa loob.

Idinaan naman sa social media ng ilang mga netizens ang kanilang pagkabahala sa posiblidad na may nalabag sa kaparatang pantao ang mga pulis sa ginawa ng mga itong biglaang inspeksyon.

Gayunman, sinabi ni QCPD Director Chief Supt. Guillermo Eleazar na bahagi lamang ng kanilang regular na operasyon ang pagsasagawa ng mga random check sa mga business establishments.

Maikukumpara aniya ito sa ginagawang bag inspection ng mga security guard sa mga mall o mga pribadong gusali.

Sa katunayan aniya, matagal nang ginagawa ng mga pulis ang Oplan Bakal, kung saan magsasagawa ng inspeksyon sa mga parukyano sa loob ng mga bar upang matukoy kung may dala ang mga itong baril o patalim.

Ilang barangay na rin aniya ang humiling na paigtingin muli ang operasyon upang mapiligilan ang anumang uri ng krimen sa loob ng mga business establishment sa lungsod.

Read more...