Maynila pasok sa listahan ng mga lugar na nakaka-‘stress’ manirahan

 

File photo

Pasok ang Maynila sa listahan ng mga lugar na nakaka-‘stress’ manirahan.

Batay sa survey na isinagawa ng UK-based dry cleaning and laundry service na Zipjet, nasa ikasampung puwesto ang naturang lungsod sa mga lugar na mataas ang ‘stress rating’ para sa mga residente.

Isinalang sa survey ang nasa 500 lokasyon sa iba’t ibang syudad sa buong mundo at lumitaw na nakakuha ng mataas na score ang Maynila pagdating sa antas ng stress level.

Sa nasabing survey, ginamit bilang methodology ang iba’t ibang criteria kabilang na ang sitwasyon ng traffic, peace and order, polusyon at mental health issue upang makuha ang line-up ng 150 mga syudad sa buong bansa.

Una naman sa listahan ng mga lugar na may pinakamatinding stress level na manirahan ang Baghdad, Iraq.

Samantala, pinaka-maganda naman tumira pagdating sa usapin ng mababang stress level ang Stuttgart sa Germany.

Read more...