Ramon Ang, posibleng magdonate ng 1.000 housing units sa Marawi

 

Nakatakdang kausapin ni Pag-IBIG Chairman Eduardo del Rosario si San Miguel President Ramon S. Ang sa susunod na linggo ukol sa plano nitong pagdo-donate sa pagpapatayo ng karagdagang 1,000 housing units sa Marawi.

Ito ang sinabi ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti sa isang press briefing kahapon.

Ani Moti, mayroong plano si Ang na mag-donate para sa pagpapatayo ng mga bahay ngunit hindi pa ito sigurado.

Umaasa ang tanggapan na makukumbinse ni del Rosario ang businessman sa planong ito.

Kung nagawa anya ito dati ni Ang ay hindi posibleng magawa niya ulit ito ngayon.

Kamakailan lamang ay nagdonate si Ang ng 1 bilyong piso para sa pagbuo rehabilitation centers ng gobyerno at nagbigay din ng milyun-milyong halaga ng business packages at donasyon para sa pagpapatayo ng mga bahay ng mga sundalo at pulis.

Nilinaw naman ni Moti na kung sakaling mapapayag si Ang ay isasailalim ito sa hiwalay na kasunduan.

Read more...