PAO, tutol sa planong paghukay sa labi ni ‘Kulot’

 

Hindi sang-ayon ang Public Attorneys Office o PAO sa plano ng PNP na hukayin ang labi ni Reynaldo de Guzman alyas “Kulot”.

Nagtataka umano ang PAO sa biglaang pagkuha ng PNP ng DNA sample sa bangkay ni Kulot at sa mga magulang nito kahit positively identified na ng mga magulang at ng mga tauhan ng PAO at NBI na ang labi ay si Kulot.

Ayon kay PAO Chief Percida Acosta, maaari lamang maharap sa kasong administratibo ang PNP kung ipilit nila na huyakin pa ang labi ng binatilyo.

Wala aniyang DNA result na natatapos sa loob lamang ng dalawa hanggang apat na araw.

Dagdag pa niya, kinukuha na ng Ombudsman ang lahat ng files ng mga hawak nilang kaso at nagpahayag na rin ang Malacañang na ang NBI na ang magiimbestiga sa kaso ni Kulot.

Magugunitang naglabas ng DNA result ang PNP na nagsasabing hindi si Kulot ang bangkay na natagpuan sa Gapan, Nueva Ecija.

Read more...