Ayon sa kaniyang tagapagsalita na si Atty. Carlo Cruz, ni wala ito sa mga ikinukonsiderang pagpipilian ni Sereno sa ngayon.
Una na kasing nanawagan si Atty. Lorenzo Gadon kay Sereno na mag-resign na lang upang makaiwas sa kahihiyan, bunsod ng impeachment complaint na kaniyang isinampa laban sa Chief Justice.
Inaakusahan ni Gadon si Sereno ng paglabag sa Saligang Batas, katiwalian, betrayal of public trust at iba pang high crime.s
Nanindigan naman si Cruz na ang mga reklamo laban kay Sereno ay pawang ginawa lamang para mapalaki pa ang “political spectacle” na naglalayong sirain ang kredibilidad ng Chief Justice.
Ito aniya ay nakasasama sa kasarinlan ng hudikatura na sinasandalan ng mga tao para ipagtanggol ang kanilang mga karapatan.
Sa ngayon aniya ay hinihintay pa ng Office of Chief Justice ang pagdating sa kanila ng mga reklamo, bago gumawa si Sereno ng legal na aksyon.