Give and take, iiral sa pagtalakay ng bicam sa budget ng CHR ayon kay HS Alvarez

Hindi ang kung anumang halaga na itatakda ng senado ang masusunod sa pagbibigay ng budget sa Commission on Human Rights (CHR).

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez, hindi lang ang kagustuhan ng Senado ang masusunod kapag dumating na sa punto na tatalakayin na sa bicameral conference ang panukalang budget para sa komisyon.

Sinabi ni Alvarez na ‘give and take’ ang iiral pagdating sa bicam at pagkatapos ng gagawing paghimay at pagtalakay ay saka pagkakasunduan kung magkao ang budget na dapat na ibigay.

Magugunitang P1,000 budget lang ang ibinigay ng Kamara sa CHR dahil hindi naman umano nito ginagampanan ng tama ang tungkulin.

Marami namang senador ang nadismaya dito, at sinabing maaring magpatupad lang ng reenacted budget kung maninindigan ang mga Kongresista sa P1,000 budget para sa komisyon.

 

 

 

 

 

Read more...