Ayon kay National Union of People’s Lawyer (NUPL) Secretary General Atty. Edre Olalia, kinatigan ni Judge Rodolfo Obnaniya ng Quezon Regional Trial Court Branch 64 sa Mauban ang mosyon ni Andrea Rosal.
Ayon kay National Union of People’s Lawyer Secretary General Atty. Edre Olalia, kinatigan ni Judge Rodolfo Obnania ang kanilang inihaing motion to quash.
Sinabi ng korte na walang ebidensya na nagtuturo kay Rosal na responsible siya sa kasong pagpatay.
Dahil sa nasabing pasya ng korte, lalaya na si Rosal ngayong hapon mula sa pagkakakulong sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.
Noong nakalipas na taon, ibinasura na ng Pasig RTC ang kasong kidnapping laban sa anak ng dating NPA spokesperson.
Naaresto si Andrea habang siya ay buntis at nasawi ang ang sanggol matapos niyang iluwal.