Ipinanawagan ni NDRRMC Spokesperson Mina Marasigan na tumigil na ang mga nambabatikos.
Aniya, kung abala para sa kanila ang mga babala ng ahensya, darating din ang araw na pasasalamatan ng mga ito ang NDRRMC kaugnay nito dahil nakalikas sila sa ligtas na lugar.
Sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Maring, sinabi ng ilang netizens na nainis sila sa text alerts.
Gayunman, may mga nagpasalamat din sa mga paalala ng ahensya.
Nagpapadala ng emergency broadcast at mga babala ang NDRRMC ukol sa mga kalamidad alinsunod sa Free Mobile Disaster Alerts Act.
Kaakibat ng ahensya ang National Telecommunication Commission sa pagpapatupad nito.