Pilit lamang umanong nagpapalusot si Justice Sec. Vitaliano Aguirre sa kanyang naging mahabang paliwanag kaugnay sa palitan umano nila ng text messages ng isang ‘Cong Jing’.
Ayon kay Sen. Risa Hontiveros, bigo si Aguirre na masagot ang simpleng tanong kung totoo ba o hindi ang text conversation na nakunan ng camera habang nagsasagawa ng Senate hearing kaugnay sa kaso ng pagkamatay ni Kian Loyd delos Santos.
Paliwanag ni Hontiveros, masyadong mahaba at nagpaligoy-ligoy pa ang kalihim sabay ang pag-akusa sa senadora na ilegal at unethical umano ang ginawa nito
Ayons sa senadora, wala siyang nilabag na batas at dapat umanong magbuklat ng diksyonaryo si Aguirre dahil wala umanong mas masahol pa sa ginagawa nitong pagpaplano para kasuhan ang isang senador ng bansa.
Giit ni Hontiveros, sa nabanggit na text ay nabisto na nakikipagkutsabahan si Aguirre sa mga grupo para umano lutuin ang mga kasong isasampa laban kay Hontiveros at mga miyembro ng oposisyon sa Senado.
Nauna nang sinabi ng mambabatas na iniutos ni kalihim ang pagsasampa ng reklamo laban sa kanya sa akusasyon na naturuan na niya ng mga dapat sabihin ang mga testigo sa pagpatay kay delos Reyes.