Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos, taong 2014 pa may inilabas nang memorandum ang PNP na huwag ilabas ang mga spot reports kapag mayroon pang on-going investigation o hindi kaya sangkot sa krimen ang mga babae na biktima ng pang aabuso o mga menor de edad.
Maari naman aniyang makakuha ng kopya ang media ng spot report kung gagawa ng formal request.
May access din aniya ang media sa police blotter dahil public document naman ito.
Pwede rin naman aniyang magpalabas ang PNP ng press statement o press releases.
Bukod dito, sinabi ni Carlos maari rin kunin na lamang ng media ang impormasyon sa mga police officers na may hawak ng kaso o hindi kaya sa mga station commander.
Sinabi pa ni Carlos na hindi naman ito lalabag sa ipinalabas na executive order ni Pangulong Rodrigo Duterte na freedom of information dahil palagi namang transparent sa mga isyu ang kanilang hanay.
Matatandaang una nang iniulat ng sister company ng Radyo Inquirer na Cebu Daily News na pinagbabawalan na umano ang mga mediamen sa Cebu na makakuha ng kopya ng spot reports ng PNP doon.