CHR biktima ng pambu-bully ni Duterte ayon sa LP

Malinaw umano ang mensahe ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sinuman na tumutuligsa o sumasalungat sa kagustuhan ng pangulo ay makakaranas ng pambubully at pananakot para mapilitan na sumunod.

Ito ang tugon ni Liberal Party President Sen. Kiko Pangilinan sa pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na papayag umano ito na dagdagan ang budget ng CHR na P1,000 kung magbibitiw sa tungkulin si CHR Chairman Chito Gascon.

Paliwanag ni Pangilinan, ang hakbang ay ‘anti-democratic’ at ‘authoritarian’.

Dahil dito, nangako si Pangilinan na isusulong nila sa Senado para maibalik ang panukalang budget ng CHR.

Giit ng senador, kung hindi man maipasa ang panukalang budget para sa 2018 ng CHR, maari naman na reenact na lamang ang 2017 budget para matiyak na may pondo ang komisyon.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni Sen. Franklin Drilon na ang P1,000 pondo para sa CHR ay nangangahulugan na gusto ng administrasyon na tuluyan nang i-abolish ang nasabing komisyon na nagbabantay sa mga kaso ng extra-judicial killings na ibinibintang sa mga tauhan ng pamahalaan.

Read more...