Sa botong 30 pabor at 4 ang hindi pabor, sinabi ng komite na sufficient in form ang reklamo na inihain ni Atty. Larry Gadon.
Bago ang botohan kung sufficient in substance ang reklamo, muling iginiit ng ilang kongresista na pagtutol.
Ayon kina Congressmen Edcel Lagman, Tom Villarin, Kaka Bag-ao at Carlos Isagani Zarate, pawang hearsay lamang ang mga alegasyon laban kay Sereno, at ni-walang personal knowledge si Gadon.
Subalit sa botong 30-yes at 4-no, nanaig ang mga kongresistang pabor sa Sereno impeachment na inihain ni Gadon.
Culpable violation of the Constitution, betrayal of public trust at corruption and other high crimes ang basehan ng reklamo laban kay Sereno.
Sa alegasyon ni Gadon, bumili si Sereno ng overpriced na brand new at high-end 2017 Toyota Land Cruiser sa halagang P5.1 million.
Bigo rin daw si Sereno na ideklara sa kanyang SALN ang kinita nito sa lawyer’s fee na nagkakahalaga ng $745,000 o katumbas ng P37 million, mamahaling travel allowances at iba pa.
Samantala, sa botong 28-yes at 5-no, ibinasura naman ang impeachment complaint laban kay Sereno na inihain ng VACC at ng Vanguard of the Philippine Constitution.