Bagyong Maring at Lannie, parehong lumakas pa, habang papalayo ng bansa

Kapwa lumakas pa ang Tropical Storm Maring at Typhoon Lannie habang kumikilos papalayo sa bansa.

Sa 11:00AM weather bulletin ng PAGASA ang bagyong Maring ay huling namataan sa 370 kilometers West ng Iba Zambales o papalapit na sa western boundary ng Pilipinas.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 105 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 18 kilometers sa direksyong West Northwest.

Mamayang gabi inaasahang lalabas ng bansa ang bagyong Maring.

Samantala, ang bagyong Lannie naman ay huling namataan sa 605 kilometers Northeast ng Basco, Batanes at papalapit na sa Ryukyu Islands.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 130 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 160 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 18 kilometers bawat oras sa direksyong Northwest.

Ngayong hapon o gabi naman ang inaasahang paglabas sa bansa ng Typhoon Lannie.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...