Pagbahang idinulot ng bagyong Maring, humupa na

FB Photo | Gov. Ramil Hernandez

Nagsimula nang humupa ang napaulat na mga pagbaha sa ilang lugar sa bansa kasabay ng inaasahang paglabas ng bagyong Maring mamayang gabi.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council Executive Director Ricardo Jalad, nakatutok sila sa mga naiulat na pagbaha sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Kabilang na dito ang mga pagbaha sa Calabarzon, Mimaropa at ilang flooded areas sa NCR kung saan ang iba dito ay humupa na.

Sa ngayon ay patuloy aniya nilang minomonitor ang epekto ng bagyong Maring.

Inaasahan din aniya nila na mabilis na pagresponde ang paiiralin ng mga local government units at regional offices sa mga magiging epekto ng bagyo, partikular na sa Calabarzon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...