Umarangkada na ang pagtalakay ng House Justice Committee kaugnay sa impeachment complaints laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sa pangunguna ni Justice Panel Chairman Rey Umali, tutukuyin ng mga mambabatas kung sufficient in form at substance ang mga naturang kaso.
Present si House Majority Leader Rodolfo Fariñas, at nasa 37 congressmen ang tumugon sa roll call kaya idineklara ang quorum sa pagdinig.
Dumalo sa hearing ang isa sa complainant na si Atty. Larry Gadon, maing mga kinatawan ng VACC.
Ang unang impeachment complaint ay mayroong labing na endorsers mula sa Mababang Kapulungan, habang ang ikalawa ay may mahigit dalawampung endorsers.
Sa opening statement ni Umali, sinabi nito na ngayong 17th Congress ay dalawang impeachment complaints ang naisalang sa komite; una ang reklamo laban kay Pangulong Rodrigo Duterte na ibinasura, at ang ikalawa ay ang Sereno impeachment.
Aniya, may sole power ang Kongreso na talakayin ang anumang impeachment complaint.
Sa proseso, pagbobotohan kung sufficient in form at substance ang mga impeachment complaint.
Kapag kapwa ideklarang sufficient ang form at substance, idedetermina naman kung may probable cause.
At kung ito ang ideklara, gagawa ang lupon ng committee report o articles of impeachment, na kapag naaprubahan ay iaakyat sa plenaryo para pagbotohan.
Sinabi ni Umali na isang political process ang impeachment process, at hindi pinigilan ang sinuman na magsampa ng reklamo sa sinumang opisyal ng pamahalaan.
Sa kasagsagan ng pagtalakay, tinawag na ‘defective’ ni BayanMuna Party-list Rep. Carlos Isagani Zarate ang impeachment complaints.
Ayon kay Zarate, ang reklamo laban kay Sereno, partikular ang inihain ni Atty. Larry Gadon ay ibinatay lamang sa newspaper clippings.
Ni-wala raw personal knowledge si Gadon ukol sa mga ibinabato nitong alegasyon.
Pero sa naturang pagdinig, inisa-isa si House Majority Leader Rodolfo Fariñas ang mga ebidensya laban kay Sereno.
Kabilang dito ang nasa dalawampung dokumento, kopya ng foreign travels ni Sereno at maging ang mga orihinal na kopya ng mga resolusyon at temporary restraining orders, na gagamitin kontra kay Sereno.
Ang mga ito, ani Fariñas, ang galing mismo sa Korte Suprema.