3 patay, 5 nawawala sanhi ng bagyong ‘Maring’-NDRRMC report

 

Nananatili sa tatlo ang napaulat na nasawi sanhi ng pagsagasa ng bagyong ‘Maring’ sa Luzon kahapon.

Sa tala ng National Disaster Risk reduction and Management Council (NDRRMC), nakilala ang dalawa sa nasawi na sina Justine Pondal,, lalake, katorse anyos at Jude Pondal, lalake, isang 17 anyos.

Nasawi ang dalawa makaraang madaganan ng lupa at putik sa landslide sa Taytay, Rizal.

Isang dalawang buwang-gulang na sanggol naman ang namatay makaraang gumuho ang rip-rap sa kanilang lugar sa Lucena, Quezon sa kasagsagan ng malakas na pag-ulan.

Samantala, lima katao pa ang patuloy na pinaghahanap matapos mapaulat na nawawala sa gitna ng pagtaas ng tubig-baha sa Bgy. Sto. Cristobal, Calamba City, Laguna.

Karamihan sa mga nawawala ay nakatira sa gilid ng ilog.

Dahil sa malakas na agos, inanod ang mga nawawalang biktima kasama ang kanilang tinitirhang mga tahanan.

Read more...