Duterte hindi kinagat ang hamon ni Trillanes sa bank waiver

 

Hindi kinagat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hamon ni Senador Antonio Trillanes na pumirma ito ng waiver upang ilantad ang nilalaman ng kanyang mga bank accounts.

Matapos dumalaw sa labi ng dalawang nasawing sundalo sa Libingan ng mga Bayani, humarap sa media ang pangulo at nagbigay ng pahayag sa iba’t ibang mga isyu kaninang madaling-araw.

Giit ng pangulo, walang silbi ang mga waiver ni Trillanes dahil may mga co-signer ito na mga Chinese sa kanyang mga bank account.

At bagamat pumirma na si Trillanes ng waiver, ay hindi naman isisiwalat ng mga bangko ang mga pangalan ng mga co-depositor nito na pawang mga Chinese.

Sa ngayon , bumubuo na sila aniya ng kaso laban sa senador dahil sa mga tagong yaman nito at kanila itong sisiwalat sa nalalapit na hinaharap.

Samantala, muling binanatan ng pangulo si Trillanes dahil tinatangka umano nitong kumalap ng ebidensya mula sa mismong inaakusahan nito.

“If (Trillanes) wants to get evidence, do not get it from my mouth…bakit I’ll give you the pleasure?” pahayag ng pangulo.

 

 

 

Read more...