Mayor sa Belgium, patay matapos gilitan sa leeg

 

Nagulantang ang buong Belgium matapos ang kalunos-lunos na pagkakapatay sa alkalde ng Mouscron, Belgium.

Natagpuan na walang buhay si Mayor Alfred Gadenne, 71- taong gulang sa isang sementeryo malapit sa kanyang tahanan.

Ginilitan ang leeg ni Gadenne habang sinasara ang sementeryo na nakagawian na ng alkalde.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni first deputy prosecutor Frederic Bariseau na isang suspek ang kusang sumuko sa mga awtoridad habang may hawak-hawak na cutter.

Hinihinalang paghihiganti ang motibo ng suspek na isang 18-anyos na lalaki.

Ipinabatid ni Belgium Prime Minister Charles Michel sa kanyang twitter ang kalungkutan sa pagkakasawi ni Gadenne.

Anya, brutal ang pagkakapatay sa alkalde na sobrang mahal ng buong bayan.

 

Read more...