Drug suppliers, tatargetin ng bagon PDEA Chief

 

Bilang pagpapaigting sa giyera kontra droga, sinabi ni bagong PDEA Director General Aaron Aquino na sa ilalim ng kanyang pamumuno ay tatargetin ng ahensya ang malalaking supplier ng droga sa bansa.

Ayon kay Aquino, palalakasin niya ang koordinasyon ng PDEA sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng Bureau of Customs.

Kung masusupil anya ang pagpasok ng 70 percent ng iligal na droga na pumapasok sa bansa na nakakalusot sa BOC ay magiging isang malaking accomplishment ito ng pamahalaan.

Sinabi rin ni Aquino na magiging maganda ang kolaborasyon nila ng ngayon ay Bureau of Customs Commissioner Isidro Lapeña.

Nakatrabaho na niya si Lapeña sa Davao at umaasa siya na magkakaroon ng magandang kolaborasyon at koordinasyon ang BOC at PDEA.

Nais ng bagong upong hepe ng PDEA na makulong ang mga malalaking supplier ng droga at mairehab naman ang mga gumagamit nito.

Itutulak niya ang pagbuo sa mga community-based rehabilitation centers sa bansa para matuliungan ang nasa 1.3 milyong drug dependents na sumuko na sa gobyerno.

Hihingin naman niya ang tulong ng Philippine National Police sa pamumuno ni PNP Chief Ronald Dela Rosa at ng Department of Interior Local Government para maisakatuparan ang mga planong programa ng ahensya.

 

Read more...