Bubulagain ng aabot sa halos dalawang pisong pagtaas sa presyo ng kada litro ng produktong petrolyo ang mga motorist bukas.
Ito ay matapos ang ilang sunod-sunod na linggo na nagpatupad ng bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.
Base kasi sa pagtaya ng mga kumpanya ng langis, aabot sa P1.50 hanggang P2 ang itataas sa presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa paggalaw ng halaga ng oil products sa world market.
Nitong nagdaang linggo kasi, gumanda ang US financial situation na naging dahilan para magtaas ang demand sa gasolina at diesel.
Siyamnapunt porsyento ng petroleum supply sa Pilipinas ang inaangkat sa world market.
Noon lamang nakaraang linggo, August 30, nagpatupad ng P1.45 na bawas sa kada litro ng gasolina, P0.90 sa kada litro ng kerosene at P0.70 sa kada litro ng diesel ang mga oil companies.