Kinumpirma ng pamahalaan ng Hungary na umaabot na sa kabuuang na 13,000 ang bilang ng mga asylum seekers na dumaan sa kanilang teritoryo papunta sa mga bansa sa Western Europe.
Ayon kay Hungarian government spokesman Zolten Kovacs, naging maluwag ang kanilang bansa sa pagdaan ng mga train na sinasakyan ng mga refugees na gustong takasan ang mga kaguluhan sa kani-kanilang bansa.
Ibinase nila ang kanilang desisyon na huwag nang hanapan ng mga visa at travel documents ang mga sakay ng train makaraang magbukas ng kanilang mga pintuan para sa mga displaced people ang Australia at Germany.
Sa report ng European Union Border Agency na Frontex, kanilang sinabi na sa kabuuan ay umaabot na sa 340,000 ang bilang ng mga asyllum seekers na nakapasok sa ibat-ibang mga bansa na kabilang sa 28-EU Nation bloc.
Nagsimulang dumami ang mga pumapasok sa ibat-ibang bansa sa Europa nang maganap ang mga kaguluhan sa ilang lugar sa Middle East mula pa noong 2012.
Karamihan sa mga evacuees ay mula sa Syria, Afghanistan, Iraq, Somalia at Eritrea.
Sa mga bansa sa Europa, Austria at Germany ang karaniwang destinasyon ng mga asylum seekers para doon magkaroon ng bagong pamumuhay.
Kahapon ay hinimok rin ni Pope Francis ang mga Catholic Parishes sa buong Europa na buksan ang kanilang mga simbahan, kumbento at monesteryo para tulungan ang mga refugees.