Tinapos na ni Majority Leader Rudy Fariñas ang plenary debates at period of amendment, at nag-move rin para sa pagbuo ng komite na tatanggap ng individual amendments na isusumite ng mga mambabatas.
Binigyan lamang ni Fariñas ang mga mambabatas ng bago mag-Biyernes para isumite ang kanilang mga individual amendments.
Kasunod nito ay inaprubahan na ng Kamara by viva voce ang House Bill 6215 o ang national budget bill na sinertipikahan na bilang urgent ni Pangulong Duterte.
Oras na sertipikahang urgent ng pangulo ang isang panukala, maari na itong maipasa sa ikalawa o ikatlong pagbasa sa iisang araw ng sesyon.
Ang panukalang 2018 national budget ay mas mataas ng 12.84 percent mula sa 2017 budget na P3.35 trillion.