Taglay nito ang lakas na hangin na aabot sa 60 kph malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 90 kph.
Kumikilos ang naturang bagyo sa direksiyong Kanluran Hilagang Kanluran sa bilis na 15 kph.
Nakataas ang Signal Number 1 sa mga lalawigan ng Pampanga, Tarlac, Zambales, Bataan at Pangasinan.
Inaasahan na aalis si Bagyong Maring na lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas ng gabi o umaga ng Huwebes.
Mula sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang mararanasan sa Zambales at Bataan.
Habang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan na kung minsan ay may malakas na pag-ulan dahil sa mga thunderstorms ang inaasahan s aTarlac, Pampanga at Bulacan.
Inaabisuhan ang mga residente sa mga naturang lugar na maging alerto sa posibleng landslide at flashflood.
Kaugnay nito, nanatiling mapanganib ang maglayag sa mga seaboards ng Central Luzon, CALABARZON at Mindoro dahil sa Bagyong Maring.
Muling maglalabas ang PAGASA ng weather bulletin mamayang alas onse ng gabi.