Binatilyo, nawawala sa General Trias City, Cavite makaraang tumalon sa ilog

Nawawala ngayon ang isang binatilyo sa General Trias Cavite makaraang tumalon sa Ilog.

Ayon kay Fernando Olimpo, Municipal Disaster Risk Management Office Chief ng General Trias, pasado alas 4:00 ng hapon ngayong araw ng tumalon si Marco Plurete, 16 na taong gulang sa Rio Grander River at anurin ito.

Anya, kasama raw ni Plurate ang 5 nyang kaibigan nang tumalon sa ilog pero nang pag-ahon nila ay nawawala na ito.

Sa ngayon patuloy ang search operations kay Plurete na residente ng Purok 4, Brgy Bacao Uno.

Read more...