Pulis, sibak sa puwesto dahil sa pagiging operator ng mga colorum na jeep

 

Mula sa Youtube

Sinibak sa kaniyang pwesto ang isang pulis matapos mapag-alaman na siya pala ay operator ng mga colorum na jeep.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) operations supervisor Edison Nebrija, tatlong colorum na jeep na pag-aari ni SPO2 Ariel Aguilar ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 6.

Hinatak ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) ang tatlong jeep ni Aguilar sa clearing operation na isinagawa sa Quezon Memorial Circle kung saan iligal na naka-parada ang mga ito.

Nang ito-tow na ang mga jeep ni Aguilar, nag-banta pa ito sa mga tauhan ng MMDA na “magkakamatayan” sila kung itutuloy ang paghatak sa mga ito.

Nakuhanan naman ng video ang nasabing pagbabanta ni Aguilar na ngayon ay naka-post na rin sa Facebook ni Nebrija.

Giit ni Nebrija, ipinaliwanag niya kay Aguilar na hindi nila maaring kunsintehin ang ganitong gawain, ngunit napikon pa rin ito.

Agad naman nilang isinumbong si Aguilar sa kaniyang commanding officer.

Dahil dito, bukod sa pagkaka-relieve, nakasuhan si Aguilar kaugnay ng illegal parking at pag-ooperate ng mga hindi rehistradong sasakyan.

 

Read more...