Kasong rape laban sa ‘Tawag ng Tanghalan’ champion ibinasura ng korte

 

Ibinasura ng Cebu City Regional Trial Court (RTC) ang kasong rape na isinampa laban sa singer na si Noven Belleza, dahil sa “lack of interest” ng nagsampa ng reklamo.

Ayon kay Judge James Stewart Ramon Himalaloan, sa kabila ng kagustuhan na rin ng complainant na iatras na ang kaso, ibinasura na ito ng korte dahil sa kawalan na ng interes ng nag-reklamo.

Matatandaang si Belleza ay inireklamo ng rape ng isang 19-taong gulang na babae na nagsasabing minolestya umano siya ng singer sa isang condominium sa Barangay Lahug noong July 15.

Gayunman, hindi sumipot sa mga proceedings ang nasabing complainant.

Kalaunan ay naghain din siya ng affidavit of desistance, at hiniling sa korte na ibasura na ang kaso laban kay Belleza.

Ayon sa babae, ayaw na niyang isulong pa ang kaso dahil sa hindi magandang naging epekto nito sa kaniyang pamilya at para na rin sa ikakapayapa ng kaniyang kalooban.

Read more...