Nanawagan si Sen. Risa Hontiveros na magbitiw na sa kanyang pwesto si DOJ Sec. Vitaliano Aguirre dahil umano sa ‘unethical conduct’ at paglabag sa Section 4 ng RA 6730 o Code of Conduct of Public Officials.
Nag-ugat ang panawagan ng resignation ni Aguirre matapos na ipakita ni Sen. Hontiveros ang palitan ng text ni Aguirre at isang ‘Cong Jing’ habang nagsasagawa ng senate hearing kaugnay sa Kian Loyd de los Santos case ang Senado.
Sa palitan ng text na nakunan ng larawan nina Aguirre at ‘Cong Jing’ na napag-alaman ng senadora na umanoy si dating Congressman Jacinto Paras, naturuan na umano ni Hontiveros ang testigo.
Huli rin sa larawan ang tugon ni Aguirre sa text na- quote: “Yon na nga sinasabi ko dito. Very obvious. Kaya nga expedite natin ang cases niyo vs her,” unquote.
Si Paras ay miyembro ng Volunteers Against Crime and Corruption na kasama ni Atty. Ferdinand Topacio na sumugod sa opisina ni Hontiveros nuong isang linggo upang kunin umano ang mga menor de edad na testigo sa Kian case na nasa kustodiya na ni Caloocan Bishop David.
Dagdag pa ni Hontiveros, grupo rin nina Paras ang nagfile ng impeachment laban kay Supreme Court Chirf Justice Ma. Lourdes Sereno at nag-anunsyo ng pagsasampa ng impeachment complaint laban kay Ombudsman Conchita Carpio Morales.