Metro Manila at ilang mga lalawigan isinailalim na sa signal number 1

Ibinabala ng Pagasa na makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang mga lugar na nasa ilalim ng tropical cyclone warning system number 1 dulot ng bagyong Maring.

Kabilang dito ang Metro Manila, Catanduanes, Camarines Sur, Camarines Norte, Polilio Island, Northern Quezon, Rizal, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija at Aurora.

Ang bagyong Maring ay huling namataan sa layong 255 kph sa Silangan ng Infanta, Quezon.

Taglay ng nasabing bagyo ang lakas na 45 kph at gustiness o pagbugsong aabot sa 65 kph habang tinatawak ang direksyon papunta sa Kanluran HIlagang Kanluran sa bilis na 13 kph.

Samantala, magpapaulan rin sa extreme Northern Luzon ang isa pang sama ng panahon na si bagyong Lannie.

Nauna nang sinabi ng Pagasa na mananatili sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang nasabing mga weather disturbances hanggang sa araw ng Huwebes.

Asahan na rin ang malalaking alon sa karagatang bahagi ng nasabing mga lugar ayon sa Pagasa.

Read more...