Dagdag na mga benepisyo para sa mga nakatatanda inilatag ng Philhealth

Inihayag ng pamunuan ng Philhealth ang kanilang mas pinagtibay na ugnayan sa Philippine Society of Geriatrics and Gerontoly (PSGG).

Ito’y sa pamamagitan ng mas pinalaking coverage ng mga tulong na inilaan para sa mga nakatatandang sektor ng ating lipunan.

Sa kanyang talumpati sa 5th Annual Convention ng PSGG na may temang “Saklolo, Saklola”, Sinabi ni Philhealth Cehief Executive Officer Dr. Francis Pargas na mas natutok ngayon ang nasabing ahensiya sa kapakanan ng mga lolo at lola sa bansa.

Sa nasabing pagtitipon ng PSGG na binubuo ng mga duktor, nurses at allied medical professionals ay ibinida ng opisyal ang mas pinalawak na sakop ng financial risk protection at mga kinakailangang health services.

Bukod sa mga regular lifetime members ng Philhealth, sakop na rin ng health services ng ahensiya ang mga lolo’t lola bilang bahagi ng National Health Insurance Program (NHIP) sa ilalim ng R.A. 10645.

Ang mga nakatatandang Philhealth members pati na rin ang kanilang mga legal dependents ay pwedeng makinabang sa mga sumusunod na programa.

Kabilang dito ang Pneumonia-High Risk (P32,000.00), Hypertension – Stage II (P9,000.00), Osteoporosis – Unspecified (P7,900.00), Osteo-arthritis (P7,000.00), kasama ang iba pang  Vascular Dementia (P7,800.00), Cardiac Arrhythmias (P12,200.00), Congestive Heart Failure (P15,700.00), Chronic Obstructive Pulmonary Disease (P12,200.00), Myocardial Infarction (P12,000.00), Complications of Diabetes Mellitus with other specified complications (P12,600.00) at Asthma o Hika (P9,000.00).

Sinabi rin ng pamunuan ng Philhealth na mas marami pa silang ilalatag na benepisyo para sa kanilang mga miyembro sa mga susunod na panahon.

Read more...