NDRRMC inalerto dahil sa mga sama ng panahon

Inquirer photo

Itinaas na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa blue alert status ang kanilang puwersa.

Ito ay bilang paghahanda na rin sa posibleng pananalasa ng bagyong Lannie sa Philippine Area of Responsibility.

Sinabi ni NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan na handa na ang kanilang mga lokal na tanggapan, ang Department of Health, Department of Social Welfare and Development, at mga lokal na pamahalaan sa anumang epekto ng pagpasok na bagyo.

Pinapayuhan din ng NDRRMC ang publiko na magmatyag sa sitwasyon, magmonitor sa mga himpilan ng TV at Radyo at sumunod sa mga utos ng mga local officials kung kinakailangan na ang paglikas.

Ayon naman sa Pagasa, bukod sa bagyong nasa labas ng PAR mayroon pang Low Pressure Area (LPA) ang kanilang nakita malapit sa Bicol region.

Read more...