Bagyong Lannie at Maring nakapasok na sa bansa

(Update) Nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Lannie na may international name na Talim.

Sa pinakahuling weather bulletin na inilabas ng Pagasa, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 1,300 kilometers Silangan ng Hilagang Luzon.

Taglay ng bagyong Lannie ang lakas na 120 kilometers per hour at pagbugso na umaabot naman sa 145 kilometers per hour malapit sa gitna.

Magdudulot ng malakas na ulan sa dulong bahagi ng Luzon ang nasabing bagyo.

Isa na ring ganap na bagyo ang isa pang sama ng panahon na may layong 300 kilometers sa Silangan ng Infanta, Quezon.

Ang nasabing bagyo ay may pangalang Maring ay may lakas na 45 kilometers per hour at pagbugso na 60 kph.

Inaasahan na magpapa-apaw ito sa Magat dam dahil posibleng abutin pa ng hanggang Huwebes ang pananalasa ng dalawang sama ng panahon.

Magdudulot ng malakas na pag-ulan ang nasabing weather disturbance sa malaking bahagi ng Southern Luzon, Central Luzon, Metro Manila, Bicol region at Aurora provinces.

Nakataas ang signal number 1 sa Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Northern Quezon kasama ang Polillo Island, Aurora, Quirino, at Nueva Ecija.

Nagbabala rin ang Pagasa ng malalaking alon sa nabanggit na mga lugar.

Read more...