28 patay sa hagupit ng Hurricane Irma sa Florida

Matapos ang dalawang beses na pagtama sa kalupaan, bumaba sa category 2 storm ang Hurricane Irma.

Gayunman, itinuturing pa rin itong mapanganib at mapaminsala.

Ang southwest ng Florida, binayo ng malalakas na hangin at itinaas ang babala ng storm surges sa mga coastal area.

Nagpalabas ng storm surge warnings para sa Keys at Tampa Bay.

May itinaas ding surge warnings sa North Miami Beach at sa baybayin sa pagitan ng South Santee River at Jupiter Inlet.

Sa ngayon umabot na sa 28 ang nasawi sa Caribbean at inaprubahan na ni US President Donald Trump ang major disaster declaration sa Florida.

Dahil sa ipinatupad na mass evacuations, napuno ng sasakyan ang mga major highway sa Florida na nagdulot pa ng severe gas shortage sa ilang lugar ilang araw bago ang naging pagtama ng bagyo.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...