LOOK: Cancelled flights ngayong araw, dahil sa sama ng panahon

Kanselado na ang ilang biyahe ngayong araw dahil sa hindi magandang panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang flight ng Ceu Pacific na 5J 821 Manila to Virac at 5J 822 Virac to Manila.

Kanselado na rin ang flights DG 6113 at 6114 Manila-Naga-Manila ng Cebgo.

Gayundin ang flights 2P 2265 at 2266 Manila-Naga-Manila ng PAL Express.

Pinayuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa Cebu Pacific para sa rebooking o refund ng pamasahe.

Sa weather forecast ng PAGASA, kabilang ang Bicol region sa makararanas ng hindi magandang panahon ngayong araw dahil sa Low Pressure Area na nasa Daet, Camarines Norte.

 

 

 

 

 

 

Read more...