Isang bagyo, papasok sa bansa ngayong araw

Tropical storm na may international name na Talim, papasok sa bansa ngayong araw

Isang bagyo na mayroong international name na Talim ang inaasahang papasok sa bansa ngayong Lunes ng umaga.

Ang bagyo ay huling namataan ng PAGASA sa 1,665 kilimeters east ng Central Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 90 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 115 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 29 kilometers per hour sa direksyong west northwest.

Papangalan itong Lannie sa sandaling pumasok na sa Philippine Area of Responsibility.

Samantala isa namang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan din ng PAGASA sa silangan mg Daet, Camarines Norte.

Ayon sa PAGASA, dadaan ng central luzon ang LPA at lalabas ng bansa bukas o sa Miyerkules.

Dahil sa nasabing LPA, ang Metro Manila, Visayas, MIMAROPA, CALABARZON, Bicol Region, Quezon at Aurora ay makararanas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan ngayong araw.

Habang ang nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas ng occasionally heavy rains dahil sa thunderstorm.

 

 

 

Read more...