Ito ang pagmamalaki ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa isang talumpati isang araw bago ang kaarawan ng kanilang ama na si Ferdinand Marcos Sr.
Tinawag rin ni Imee si Bongbong na Vice President, na tila ay nagpapahiwatig sa posibilidad na mananalo ang kapatid sa inihaing electoral protest na kumukwestyon sa 2016 vice presidential elections.
Taliwas ito sa nauna nang desisyon ng Presidential Electoral Tribunal na ibinasura ang “first cause of action” ng reklamo laban sa integridad ng naganap na halalan.
Samantala, sa pagkilala rin ng National Historical Commission of the Philippines sa Monumento ni Marcos Sr. sa Batac, Ilocos, Norte, sinabi ni Imee na masaya ang pamilya sapagkat kinilala na rin ng kasaysayan na nagkaroon ng pangulo ang bansa na mula sa Batac.
Isang seremonya din ang magaganap sa Libingan ng mga Bayani ngayong araw kung saan maraming pulitiko ang inimbitahan kabilang si Pangulong Duterte.