Ayon kay ASEAN Security Task Force Commander Director Napoleon Taas, napagdeisisyunan nilang ipagbawal ang paggamit ng cellphone at iba pang mga gadget dahil pawang mga distraction ang mga ito sa trabaho ng kapulisan.
Ayon pa kay Taas, para masigurado ang maximum compliance ay ipagbabawal nila ang pagdadala ng cellphone ng mga pulis habang sine-secure ang mga ASEAN delegate, security venue, maging ang mga daanan ng mga delegado.
Dagdag pa ni Taas, ang naturang pagbabawal ay bunsod ng pagkakahuli sa ilang mga miyebro ng kapulisan na ginagamit ang kani-kanilang mga cellphone bagaman ipinag-utos na hindi ito maaari habang sila ay nasa duty.
Nilinaw naman ni Taas na pwedeng gamitin ng mga pulis ang kanilang mga mobile phone kung ang mga ito ay kasalukuyang nasa break o kung mayroon silang kailangang agarang i-report sa kanilang mga commander.